1. Ayokong matulog. Kausapin niyo naman ako.

  2. Ako’y naglalakbay sa paligid
    kung saan nagkalat ang makikitid.

    Animo’y mga sabik,
    eh minsan lang naman nakagamit.

    Pilit binibida, pilit nilang pinagmamalaki.
    Makahalata naman kayo
    na wala ni-isang may paki.

    Kahit sa lumagi ang mata ko
    hindi mawala-wala ang
    mga taong katulad nila.
    Silang hayok sa
    nakapagbabagong usok
    ngunit hindi naman
    nakikiisa sa pagbabago.

    Sa natunghayan ko sa
    paglalakbay na ito.
    Marami ang makitid
    sa kulturang ginagalawan ko.

    Huwag makisabay sa paligid.
    Matutong manaliksik at magmasid.

  3. Walang tatalo sa pagtutog ng gitara at pagkanta kapag wala kang kasama.

    Walang tatalo sa pagtutog ng gitara at pagkanta kapag wala kang kasama.

  4. Matagal tagal na rin akong
    hindi gumagamit ng ganitong
    paraan ng pagpapahayag.

    Ilang buwan ang nagdaan
    na ang pagsulat sa talata
    ay nanatiling banayad.

    Sa kasalukuyang oras
    na ako ay babalik sa
    napiling malikhaing sining.

    Pamukaw-sigla ang siyang
    hindi ko matagpuan, at itong
    pagbabalik ay siyang mithiin.

  5. Happy Star Wars Day!

    Happy Star Wars Day!

  6. Makata

    May babae akong nakita sa eskwela,
    ang ganda niya, may antipara 
    at mukha siyang palabasa ng mga talata.
    Eh sumulat kaya ako ng tula,
    hindi nga pala ako marunong.
    Ikaw, turuan mo naman ako.
    Kikiligin siguro yung kung ako
    ay makata, at pangalan niya
    ang laman ng aking mga talata.
    Hindi naman siguro mahalaga
    kung maiksi o mahaba.
    Maigi kung mula sa puso.
    Padadama ko na siya
    ay aking gusto.
    Pero teka, tula na ba ito?
    Oo, tula ito.
    Hindi niya lang pala 
    pinatibok ang puso ko,
    ginising niya pa ang
    pagiging makata ko.

  7. Ikaw ang dahilan kung bakit
    ako nakapasok sa puso mo.
    Ginuhit mo kasi yung ngiti sa labi ko.
    Tapos pinatibok mo ng ganito yung puso ko.
    Kaya nung natulog ako.
    Pag gising ko nasa puso mo na ako.

  8. Wifi

    I am a device.
    Many wants me free
    they keep connected to me.

    Once you turn me on
    my scanning capability is also on.
    I search from left to right, up and down.
    When the search is over
    I will surely bind to an unknown;
    an unknown stranger.
    Could be a computer, laptop or smartphone
    there are different to each other
    and just want me as their master.

    Computer, laptop or smartphone
    all of them treat me as home.
    Each entity stay for an hour or so
    the whole time we share,
    exchange and interconnect
    miles of memories and conversations.
    Some will require my speed,
    some needs a bunch of capacity
    but surely all wants me free.

    All I hear is clickety-click
    as they use me to watch flick,
    play games and enjoy music.

    I gave my all to every entity.
    Speed, stability, capacity
    and I cost them no money
    but after all the effort 
    to make them happy.
    The thought makes
    me so lonely.

    After searching;
    the result is so many.
    There are stable entity
    but the distance cannot be.

    After connecting;
    the entity may bind or not.
    There are things that might block
    then the reliability will drop.

    After using;
    they will leave.
    There is a long process
    but as the clock tick-tock

    I am just a device
    they want to use, maybe abuse
    and will end up alone and used.

  9. Bulong

    Akala ko ito nga’y pangako
    ngunit isang iglap ito’y napako.

    Ngiti sa akin ay pinagkait
    sana ang kahapon ay bumalik
    ang iyong mga halik
    walang ibang papalit.

    Sa bilis ng aking
    pag-ibig sa iyo
    ganun nga rin ang
    bilis ng iyong pag-alis.

    Para bang isang
    napaka daling desisyon
    na kung sa tutuusin
    ay mas higit pa sa 
    siyensiya, dahil nung
    tayo’y magkasama
    sobrang lakas ng kimika.

    Ako’y nangangamba
    na salitang binitawan mo’y
    puno lamang ng kabulaanan.
    Kabulaanan na nanaig
    sa bulong ng mga taong
    nakapaligid sa’yo.
    Taong ugali
    ay mas bulok pa
    sa pusali.

    Salita ay hindi kailanman
    magiging sapat.
    Pag-ibig ang siyang umusbong;
    dapat bang pag-ibig
    din ang kumitil?

    Minahal naman kita
    bakit hindi mo nadinig?

  10. "Palaging unang nabubusog ang mata bago ang puso."




MRV


I write in English and in Filipino






free counters